Day 1/2: The Day When The ALDUB Nation Stood Still

NOTE: This will contain positive and negative thoughts. Thoughts coming out of my head. If you think you will be disheartened, feel free not to continue reading this blog. It will definitely sound like I’m a mother preaching her kid.

This blog post is not created to hate, bash or drag someone down. Feel free to comment your thoughts and I won’t stop you from doing that because I, myself, speaks up what’s on my mind.

This is going to be written informally so please, bear with my language and perkiness. It will be a roller coaster ride of emotions once again. 🙂

Thanks ♥

+++++++++

Day 1 (or 2. Iyan po ang ibig sabihin nung title ng post na ito) of my rehabilitation program.

Oplan Getting Over KS ang plan ko for the whole week. Getting over my addiction if I may correct myself. (Supporter pa rin ako, okay?! Hindi na nga lang ako adik.)

It was my first time to eat Chicken Ala King in Mcdo (swear to God). Never kong inisip na kainin iyan kahit nung unang labas nung product and the TVC itself. Ayoko kasing madisappoint sa kung ano man ang pwedeng maging lasa niyan knowing that it was produced by a fast food chain (again and again… its my opinion. I’m not bashing here). Luckily, I found it good kahit konti lang yung sauce and still asks for gravy to gratify myself of its taste.

After that, I decided to go home by riding an AC bus from Chino Roces to Litex (where I currently reside. Ang layo noh? Hahaha). Masaya na sana akong sasakay ng bus nang marinig ko yung Wish I May na kanta ni Alden. Sabi ko sa sarili ko with a pout on my face, ‘Errrr… Nanadya ba ang pagkakataon? Nagmomove on nga eh.‘. I immediately sit and turn my attention to my Spotify playlist para iignore yung naririnig kong kanta. (Later that day ko na lang nalaman na it was the title of the newest TV series ng GMA). Pagka-on ko naman ng Spotify ko, BAM! God Gave Me You yung una sa queue. Natawa na lang talaga ako coz I know, affected pa rin ako sa mga pwedeng maganap sa KS. Di pa talaga ako nakakapag move on sa addiction ko sa ALDUB.

While travelling, nagbrowse lang ako ng nagbrowse in my FB and Twitter accounts. Napansin ko na mabilis na ako manawa sa pagbbrowse kasi I have nothing to browse anymore (since I unfollow all those pages and accounts related to KS and ALDUB). I also didn’t attempt to replay yesterday’s episode knowing what happened already from the posts of my friends in FB and Twitter. I just rely on the tweets of the people I still follow who are still into KS and ALDUB.

When I got home, it was already 12nn and I decided to shut the TV off ‘coz my brother is watching Princess in the Palace. He’s waiting for the KS to be shown. Hindi naman siya nagalit but he asked me why shut off the TV kung manonood din naman ako, I just told him na I’m tired and needs to wake up early. I need sometime to sleep without the noise of anything. Then, he didn’t open the TV at all. (siyempre, ako batas! hahaha. Just kidding.)

I woke up around quarter to 5pm (yeah, kulang po sa tulog araw araw) and do all the stuffs I need to do bago pumasok.

Kain. Ligo. Bihis. Biyahe. MRT!

Nang mapaupo na ako sa usual spot ko sa MRT (in between ng cars ng elders at ng mga babae. Iyong “joint” mismo nung mga carts, nandoon lang ako palagi at nakasalampak sa sahig) I check my Twitter and saw what kind of disaster had happened. Nag-aaway away na naman ang mga fans dahil sa isang walang kamali malisyang picture ni Kris Bernal and Alden Richards sa IG. Sabi ko sa sarili ko, “what’s up? Ano na namang issue?” And then out of curiosity, I tap on an HT saying #SorryKrisBernal , #RealAldubFan, and so on.

As a person trying to get over this phenom, I know na mangyayari at mangyayari ito dahil sa sobrang daming tao ang tinamaan sa KS, lalo na sa ALDUB. It may be those who are mature enough not to put salt on an open wound or those who are much driven by their emotions (hindi ko po nilalahat at please take note opinion ko lang po iyan). I research on things related to the issue and it was, for me, is mababaw. You may get mad at me saying that word na mababaw pero c’mon guys, picture lang iyon na may caption from Kris Bernal’s IG account. Anong harm ang nagawa nun? And to take note, nandoon sila for a teacher’s day event. Guys, may kalaswaan ba silang ginawa doon para mag-alburuto ng ganyan yung ibang fans? Sigh… Nakakasad lang.

Pero eto ha, disclaimer. I don’t defend anyone here. I want to be equally opinionated sa lahat ng mga taong imemention ko kaya don’t say that I’m defending someone over someone. Please. Listen to your self bago kayo magalit sa akin. 🙂

Okay so… my neutrality would kick in here and I don’t want to take sides because I’m only a fan and not even close to any of those who are being dragged on this issue.

  1. Picture and caption can depict and draw thousands of words pero sa akin, anong mali sa picture na iyon? Some would say, “Bakit ngayon ka lang nagwapuhan sa kanya? Dati na siyang artista ah! Di mo ba alam yun?!! Malandi!” or “Maarte ka!” and so on. Medyo harsh words for an IG post na wala naman sanang gustong ipahiwatig. Ako personally, walang masama dun sa post. Naghalikan ba sila? NO! Nagyakapan ba sila? NO! Jusme. CAPTION LANG IYON! PICTURE LANG NILANG DALAWA IYON NAKATAYO! 

May karapatan namang humanga si Kris Bernal kay Alden Richards di ba? Hays. Wala na bang ibang babae ang pwedeng makasalamuha or makipagpicture-an kay AR? Saka, akala ko ba ang ALDUB nation eh yung may mga breeding unlike ibang fandoms na puro mga bata at isip bata lang ang members? Nasaan na yung pagmamahal na dati eh pinagmamalaki nating lahat sa buong mundo? Guys! Dahil lang sa ganoon ang caption/picture na iyon, mangbabash na tayo ng ibang tao? Nasaan ang hustisya doon? (NOTE: Hindi ko nilalahat, yung tatamaan na lang sa sinabi ko yung tamaan. Bow). Pwedeng mga nagpapanggap na ALDUB fan lang yung naninira pero marami akong kilalang “solid” ALDUB fan daw ang nambash mismo kay Kris Bernal sa FB. Binura na lang nila yung post nila out of realization that they have done it dahil sa bugso ng emotion nila. (Wow ha, ano kayo, nanay, asawa or GF lang ni Alden para mag-alburuto? Nang-aano kayo eh).

Buti na lang, mas marami yung fans na nakakaalala na ALDUB and KS was built from love, values and inspiration that’s why they do everything they can to prevent the conflicts among fans who have different opinions regarding what had happened. Kanya kanya sila ng pagpapakalat nang apology message/letter kay Kris Bernal kasi they know how some fans are over reacting to certain things na hindi naman dapat ika-paranoid.

Ang masaklap, ang pagiging paranoid ay nakakahawa na these days pero dedepende na lang iyon kung magpapahawa ang ibang fans.

NOTE ulit. Wala akong pinagtatanggol either kay Kris Bernal or Alden Richards. This is just purely my opinion and my thoughts. I’m trying to rationalize things. Doon ako sa alam kong tama. (Tama sa mata, puso at isip ko bilang isang tao na may minamahal at nasa tamang edad na).

2. People are getting tired of the guy’s antics and for not answering Maine’s tweet.

Sigh. Guys, bakit ninyo sila pinapangunahan? Do we even know exactly if Maine’s tweet is about the 4th Rogelio (Alden)? If it is really meant for him, do we need to know if he responded to it? Kaano ano ba tayo nung dalawa para malaman pa natin ang mga ganoong bagay? Saka, does he need to answer it via Twitter as well? Like this –> “Yes. I will take care of myself.” Too showbiz! Kung totoong lalaki si Alden, hindi niya idadaan sa social media ang pagsagot sa pag-aalala ni Maine. Ano ito, TwitterSerye?Hindi ba niya pwedeng gawin ang pagsagot sa bagay na iyon privately? or in any means of communication without the knowledge by many of us? Again, hindi ko siya pinagtatanggol! Ang akin lang, hindi ba kayo napapagod kakasita sa bawat kilos, tweet, at salita ng batang ito? Wala naman siyang ginagawang masama sa inyo para ibash niyo siya. Dahil lang sa pagiging “manhid”, “slow”, “torpe” at kung ano ano pa eh magiging wagas na ang pangbabash sa kanya. *face palm*

Oo, maski ako nababagalan at naiinis sa kawalan niya ng aksyon sa mga nagaganap sa KS, lalo na sa kanila ni Maine (not Yaya Dub anymore). Unlike Maine who is open about her thoughts and feelings, Alden is secretive and playing safe (in my opinion). Well… Let him be like that. Don’t stress and frustrate ourselves kung hindi kumikilos yung bet natin for Maine. Hindi robot ‘yang batang iyan. Check niyo itsura niyan simula nung nagboom ang ALDUB. He has the biggest eyebags I’ve ever seen. Tinalo pa niya yung eyebags ko! In short, pagod, stress at nagkakasakit yung bata. Wala ba kayong pakialam sa welfare niya? Puro na lang ba kilig yung gusto nating makuha sa ALDUB kaya yung ibang fans (di ko alam kung yung iba eh legit na fan eh) kung makareact wagas! Mawala lang sa KS yung bata, sasabihin na.. “Ay ang boring. Wala si Alden!”. C’mon guys, siya lang ba ang reason kung bakit gumagana ang KS magic sa ating lahat? Please be rational! Lagare ng lagare yang batang ‘yan. Alam ko namang pinagsasabihan na din siyang magpahinga at hinay hinay dahil wala na yatang naranasang 8 hrs of sleep ‘yan simula ng lumakas ang ALDUB pero I understand kung bakit hindi siya ganyan, breadwinner ako kaya alam ko ang feeling.

Saka sa mga nagsasabing baka maunahan siya ng ibang lalaki, in my opinion. Choice pa rin naman ni Maine kung sino ang gusto niyang maging BF di ba? Kung mabagal si Alden (Richard), wala na tayong magagawa doon. I know its the opposite of what I’ve said sa earlier post ko pero… kung ang problema ng ibang fans eh yung pagiging “insensitive” nung bata… hayaan lang natin. Malaki naman na siya para sa mga ganyang bagay. Hindi naman siguro totally manhid si Alden para hindi pa niya mapansin ang mga bagay bagay sa paligid. Kung maunahan siya ng iba (against ako sa idea na ito kasi hindi naman naguunahan dapat sa love. Hindi naman karera yan.), edi naunahan siya. It’ll be a big regret on his part (in my opinion as a girl).

3. I remember why I am so damn proud of this nation because I know that everyone here knows how to spread love, inspiration, and passion. This nation knows how to use and execute the word “bayanihan” like one of the segment of EB. Dito ko rin nakita kung paano natuto ang lahat sa maniwala sa “FOREVER”, sa “DESTINY”, kay “SERENDIPITY” at tumibay ang paniniwala kay God (as in! Seriously!). Sa dumaang mahigit na dalawang buwan (mag tatatlong buwan na nga eh) marami nang naganap sa buhay ng mga taong involve sa KS lalo na ng pinakamamahal natin na ALDUB. Nag grow sila pareho at lalong tumibay yung kapit natin sa kanila. Nakakagawa nga tayo ng almost impossible na tweets dahil sa pagmamahal natin sa kanila. REMEMBER… PAGMAMAHAL NATIN SA KANILA! Big word di ba? Pero, possible lahat sa kanila dahil sa PAGMAMAHAL natin.

So… ano na? Nasaan na yung pagmamahal na iyon? May nagpost lang ng pic nung other half na kasama yung isang artista, mabagal lang kumilos (medyo masarap ngang kutusan o alugin kung pwede lang eh >_< ), hindi “responsive” sa mga tweets ng other half ng LT at kung ano ano pa… eh kaagad nawala yung PAGMAMAHAL na iyon? Dang it! What kind of fans would bash people who give them smile, kilig and love? It starts with letter “T” eh…

I’m a fan. Naging over-thinker and over-analyzer din ako pero I was able to realize my wrong doing at nagbalik loob ako sa isang pagiging simpleng viewer and fan na ineenjoy lang kung anong nakahain sa harap ko. Kung ano lang ang episode ng KS sa araw na iyon. Nothing more. Nothing less.

Sa mahigit kumulang na tatlong buwan na iyon, hindi ba natin naisip na mahirap din yung ginagawa nila? Nang mga writer, nang mga characters, nang mga tao sa paligid nila lalo na ng pamilya nila? Writers are always sleepless to think what to do next after every pasabog Saturday events. Characters in KS who have different commitments other than EB. Pamilya nila na hindi na nila masyadong nakakasama dahil sa mga nagaganap ngayon. Ganito na ba ka-selfish tayong mga fans na pati yung simpleng mga bagay na nagagawa nila nung wala pa tayo (o nung hindi pa tayo karami ng isang bansa) eh ipinagkakait na natin sa kanila? Ganito ba yung isusukli natin sa halos araw araw nilang pagpapasaya sa atin? Medyo walang utang na loob ang labas natin pero totoo. Hard di ba? (para ito sa mga fans na mabilis mag change of heart dahil sa pagkahawa sa iba. And again, hindi ko nilalahat.).

Guys… Relax lang tayo. Alam kong ulit ulit niyo nang nababasa iyan pero totoong payo iyan from a 25 year old girl. Please calm down and enjoy what they have to offer sa ating mga viewers. They are doing their best to give us happiness. Please remember that KalyeSerye is a FICTIONAL story with FICTIONAL characters. And like every FICTIONAL story will have its high and lows. It will have its own struggles dahil lahat ng nagaganap dito eh LIVE. Huwag nating iistress masyado ang sarili natin sa lahat ng nangyayari around the characters involving it. Ipinanganak ba sa stress ang KalyeSerye? HINDI DI BA? Oh, eh bakit natin iniistress sarili natin kung hatid nila is happiness? Sigh. *face palm* basta yan ang paniniwala ko. Enjoy lang kasi iyan ang pinopromote nila. Feeling ko nga nasasayang lang mga turo ng mga Lola kasi wala eh, hindi natin naisasabuhay yung mga turo nila. Hindi dapat hanggang tainga ang payo, dapat isinasapuso at isinasagawa iyan.

Okay. Stop na ako sa mala-sermon kong blog post kasi medyo nakakabeast mode namang talaga ang mga nagaganap sa paligid (take note, hindi na sa KalyeSerye ang concentration ng tao, sa Twitter at FB na halos). Pinapagaling ko na ang sarili ko sa addiction ko sa kanila (KS at ALDUB) and yet, eto yung nakikita ko. As a fan and supporter pa rin ng ALDUB, I care for this nation (this shouldn’t be tagged as fandom).

Sana talaga natuto na tayo sa ibang fandom na nasira, nagkawatak watak, at higit sa lahat eh naging alaala na lang dahil sa kagagawan na rin ng ibang fans (legit or mga fakes). Fans ang buhay at inspirasyon ng EB at ALDUB. Huwag naman sanang umabot na ang mga FANS ang sisira sa inspirasyon na iyon.

Marami pa sana akong sasabihin kaso, masyado nang mahaba ang post ko na ito. Para na akong nagsulat ng isang chapter ng story ko WP hahaha.

Be happy guys. Always be positive sa lahat ng mga bagay sa buhay. 🙂
and remember the reason why we are united, that is becaue of LOVE.

NOTE: Hindi po ako galit (swear to God po talaga). Naka-emphasize lang yung words diyan. Don’t get me wrong kung naka all caps and bold yung ibang words. Once again, Its only my opinion and thoughts that I would like to share sa lahat.

I love this nation and I will never forget it as long as I live.
How can I move on and get over my addiction if the people of this nation is at war?

Oh well… I don’t have the answer to that yet.

Love,

Momo Ryoma

4 thoughts on “Day 1/2: The Day When The ALDUB Nation Stood Still

  1. Dina Castro says:

    I salute and agree this telenovela of yours #justkidding but it’s true, we should enjoy every moment of KS, whatever happen in the future to both of them it’s in their hand, we’re just here to show our support, kung legit fan nga tayo..Hindi natin sila pag aari, respect their privacy as well, we’re not here as dictator kung ano dapat nilang gawin. Andito tayong lahat to show what the KS thought us, values, love at the right time,patience everything… Kaya let’s enjoy every moment gaya rin ng gagawin natin sa ating personal life, avoid negative thinking.. Spread love not war people. RESPECT IS THE KEY.. Of ONES PRIVACY.. ALDUBYOUALL

    Like

  2. Jelay says:

    Ano ba to..from commenting to your comment sa blog si Sir Vilo to here? hahaha. Aldub addict spotted. 😀 Thank you for this. One of the evidence that this LT is REALLY big is when we have FANTARDS na easy to bash other artists na nakakasama nung other half of the LT. Yes, it sounds nice if you think of it but it’s also stressful. To think na this LT is supposed to be ALL good vibes and learnings..It seems that not all are getting the lessons talaga EB is throwing to the viewers. We cannot control that but continue with what you do. It’s really good to know that we have rational and logical fans sa aldub Nation.

    We shouldn’t get discourage sa fandom na this just because a few rotten ones are easy to react. Nakakaloka. 🙂

    God bless you!

    Liked by 1 person

  3. ladyquill says:

    Ugh I feel you sis! Malapit na kong magquit sa Twitter dahil sa inaasal nung mga litsing Jejemon na followers ng KS at ng ALDUB. I find it dumb kasi may mga nang aangkin sa kanila na akala mo kontrolado nila ang puso’t isip nung dalawa. Dahil sa mga series of events na to e gumawa tuloy ng panel discussion ang PEP dahil sa mga eksena ng mga OA na fans. I’m so freakin’ upset with these people kasi ugh. ANG KIKITID! e sorry nabibeastmode ako. ahahaha.

    In all fairness, I think Alden’s absence is a breath of fresh air for the show. It’s good to see Maine shine, and it’s refreshing to finally put the spotlight back to JoWaPao. Maganda din ang sinasabi ni Lola Nidora na di araw araw e kilig. And they’re bringing back the Isadora storyline, which is good since di naman talaga pwedeng puro kaartehan na lang nung dalawa yung pinapakita nila. Pag masyadong matamis, nakakasuya din.

    Like

    • Momo Ryoma says:

      Tama ka diyan. Though hindi pa ako nakakapanuod ng any of the episodes this week as part of my rehab program (na sineseryoso ko hahaha) based on the posts and tweets of some of my friends na adik din sa KS and ALDUB. It seems that the focus now is on Yaya Dub (not Maine) and the Lola’s. Nahagip ko din na yung nanay ni Yaya Dub is babalik na kaya may eksenang umiyak siya saka si Lola Nidora. Breathe of fresh air as what you’ve said.

      Saka agree din ako sa point mo na kung puro tamis, nakakasuya din. Nakakasawa at masasanay ang tao kapag sobrang kilig. Buti wala munang ALDUB kilig thing for this week para na rin siguro in preparation of their 3rd monthsary which will happen next week.

      Sa Twitter naman, well, sukang suka na rin ako sa ibang DELUSIONAL FANS at FAKE FANS na kung ano anong pinagsasabi sa mga batang ito (Alden and Maine). Hayyyss.

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s